Viral ngayon ang nakakaaaliw na statement ni Heart Evangelista sa kanyang game show.
Sa latest episode ng naturang programa ay natanong siya ng, “Ano’ng mas nakakalungkot, wala kang kaibigan o wala kang pera?”
Diretso ang naging sagot ng aktres: “Wala naman akong kaibigan, basta may pera, okey na ako.”
Dagdag pa niyang pabiro, ang mga kinakaibigan daw niya ay katulad ng mga guest nila na sina Iya Villania, Kris Bernal, at Camille Prats.
“Tapos, hindi pa tayo nagkikita-kita. Eh ‘di mas gusto ko, may pera ako,” saad nito.
Kaagad nag-viral ang clip at umani ng iba’t ibang reaksiyon mula sa netizens.
Ang iba ay nalungkot para sa kanya na wala siyang friends, pero marami naman ang natuwa sa kanyang pagiging prangka.
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

