Binigyang-diin na ang out-of-pocket expenses ay patuloy na nagpapabigat sa kabila ng pagsasabatas ng Universal Health Care Law, sinabi ni Senador Christopher “Bong” Go na dapat ay direktang maramdam ng mga Pilipino ang pinalawak na mga benepisyo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), lalo sa access ng mga ina sa wastong pangangalaga sa panganganak.
Inihayag ito ni Go matapos ianunsyo ng pambansang pamahalaan na ang expanded maternity benefits ng PhilHealth ay magkakabisa simula Abril 30.
Ayon sa anunsyo, ang PhilHealth coverage sa normal deliveries ay tataas sa P29,000 mula P9,750 habang ang coverage sa mga cesarean delivery ay magiging P58,000 at P62,000 mula P37,000.
Sakop din ng expanded benefits na gawing hanggang walo mula sa dating apat ang prenatal check-up, gayundin ang bakuna at laboratory exams.
Saklaw din nito ang tatlong postnatal follow-up checkups.
Sinabi ni Go na patuloy na isinusulong ang mas malaking pagpopondo para sa kalusugan ng mga ordinaryong Pilipino, dapat direktang maramdaman ng mga pamilyang nahihirapan sa mga bayarin sa ospital at iba pang gastusin ang mga programa ng PhilHealth.
“Ito ang panahon na dapat mas maramdaman ng taumbayan ang maayos na serbisyong medikal. Dapat tulungan natin ang mga Pilipino, lalo na ang mga nanay, na mabawasan ang kanilang gastos sa pagpapagamot at panganganak,” sabi ni Go.
Sinabi ng mambabatas na ang maternity care ay nananatiling pangunahing alalahanin sa kalusugan ng publiko, lalo ng mahihirap at marginalized family.
Binanggit pa niya na ang pagtaas ng benepisyo ng PhilHealth ay kinakailangang madaling i-access, gawing wasto at malinaw ang impormasyon para malaman ng mga miyembro kung ano ang dapat nilang matanggap.
“Dapat malinaw sa ating mga kababayan kung anu-ano ang kanilang benepisyo. Hindi sapat na may programa sa papel. Dapat alam ng tao, nararamdaman ng tao, at napakikinabangan ng tao,” idiniin ng senador.
Matatandaang paulit-ulit sa panawagan si Go para sa mga reporma sa PhilHealth upang gawing mas accessible at abot-kaya ang health care.
Noong Hulyo 19, 2024, sinimulan niyang kuwestyonin ang pamamahala sa mga pondo ng PhilHealth, lalo ang paglilipat ng excess fund nito sa National Treasury.
Nagbabala siya na ang hakbang ay makaaapekto sa mga serbisyong pangkalusugan, kung saan sa isang pagdinig ng Senate health committee ay iginiit ni Go na ang paglilipat ng pondo ay “maaaring legal ngunit mali sa moralidad.”
Sa pagsisimula naman ng ika-20 Kongreso, inihain ni Go ang panukalang batas na layong iutos ang pag-isyu ng PhilHealth cards sa lahat ng Pilipino.
Tinawag na PhilHealth Card Act of 2025, pahuhusayin nito ang kamalayan ng publiko at kikilala sa indibidwal na saklaw ng National Health Insurance Program (NHIP) na ipinag-uutos ng Republic Act No. 11223 o Universal Health Care (UHC) Law.
Trending
- Wowen’s football ng North Korea dadayo sa South Korea
- Anthony Edwards kuwestiyonable para sa game 1
- Tuesday Vargas umapela ng suporta
- Heart, umayuda sa mga batang may genetic blood disorder
- Sofia Trazona, ibinalandra ang ‘cocomelon’
- 1 pulis patay, 4 sugatan sa engkuentro
- Anti-political dynasty, LEDAC measures nakapila
- Seguridad sa trabaho at proteksyon sa scam

