SINIMULAN na ng De La Salle University (DLSU) Green Archers ang kanilang bagong kabanata sa basketball matapos ang pag-alis ng two-time UAAP MVP Kevin Quiambao, na ngayo’y naglalaro na sa Korean Basketball League (KBL).
Sa kanilang unang laban sa FilOil Preseason Cup, dinomina ng Green Archers ang Adamson University Falcons, 65-47.
Bagama’t panalo, inamin ni head coach Topex Robinson na naninibago pa ang koponan sa pagbuo ng bagong pagkakakilanlan ngayong wala na si Quiambao.
Sa kabila nito, may mga bagong lider na handang umangat para sa Green Archers. Isa na rito si Kean Baclaan, na nagtala ng 12 points, 8 assists, at 4 rebounds, habang katuwang niya sa backcourt si Jacob Cortez, dating San Beda star, na may 8 points at 5 assists kontra Adamson.
Para kay Coach Robinson, mahalaga ang papel nina Baclaan at Cortez bilang bagong mga playmaker ng koponan.
Matapos ang matagumpay na panimula, susunod na haharapin ng Green Archers ang University of the Philippines (UP) sa susunod na Sabado, Mayo 31, ganap na 4:00 ng hapon.
Trending
- Pambato ng PTA umabante sa Philta Women’s Open semis
- Annie Ramirez, Yman Xavier Baluyo PH flag bearers sa Asian Beach Games opening ceremony
- Celeste, ready ng magpa-sexy
- Kyline, magbibigay ng ayuda sa mga driver ng jeep
- Bea-Vincent wedding ‘di tuloy sa May 16
- 12 ex-Marines sa ‘maleta scam,’ Zaldy Co, paghaharapin sa Blue Ribbon hearing
- Validity ng mga lisensya at registration, extended na
- Angkas babawasan komisyon sa mga rider

