Palalakasin ng gobyerno ang sektor ng semiconductors at electronics para makalikha ng mas maraming trabaho at paglakas ng ekonomiya.
Ito ang tiniyak ni Executive Secretary Ralph Recto sa ipinatawag na pulong sa Malacañang sa Semiconductor and Electronic Industry Advisory Council.
Sinabi ni Recto na ipatutupad ng gobyerno nang buo ang roadmap upang mapalawak ang S&E industry.
Kinilala ni Recto ang mahalagang papel ng sektor sa pag-unlad ng bansa na nagbibigay ng tinatayang P3 trilyon sa taunang buwis at malaking ambag sa kita sa export.
“Government must maximize S&E industry, because this industry can maximize the country,” ani Recto .
Isinusulong ng gobyerno ang pagtatayo ng tatlong specialized national laboratories na magsisilbing central hubs para sa research, innovation, at paghubog ng kakayahan sa pakikipagtulungan sa academe at industry stakeholders.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

