Isang panalo na lamang ang kailangan ng Barangay Ginebra para makapasok sa finals ng PBA 50th Season Commisisoner’s Cup.
Ito ay matapos na makuha nila ng panalo sa Game 5 laban sa Rain or Shine 111-104.
Dahil dito ay hawak ng Ginebra ang 3-2 na bentahe para sa best of seven semifinals.
Nanguna sa panalo ng Gins si Justin Brownlee na may 32 points habang mayroong 31 points naman si RJ Abarientos.
Sinabi ni Ginebra coach Tim Cone na kinailangan nilang maipanalo ang laro para maiwasan na umabot pa ito sa Game 7.
Nasayang naman ang nagawang 25 points ni Adrian Nocum habang 22 points naman ang naitala ni Jaylen Johnson para sa Rain or Shine.
Trending
- Madriaga, Lachica at Nolasco inalis ng prosekusyon bilang witness sa impeachment trial
- SC sa Ombudsman: Magsampa ng reklamo sa tiwaling hukom kung may ebidensya
- 6,253 na kaso ng leptospirosis sa bansa
- Pag-iisyu ng arrest warrant vs VP Sara kinondena
- Tony Parker, iba pang basketball icons pinainit ang NBA House Philippines 2026
- Naomi Osaka agaw-eksena bago ang unang laban sa US Open
- 8 pelikula, na-shortlist sa 99th Oscars
- Liza, balik-Pinas, sumakay ng jeep

