Pasok na sa knockout stage ng FIBA 3×3 World Cup qualifiers ang Gilas Pilipinas Women.
Ito ay matapos na makamit nila ang top seed sa Pool B.
Mayroong isang panalo at isang talo ang Gilas Women kung saan unang tinalo sila ng Brazil 16-13 at tinalo naman nila an Singapore sa final 21-19.
Kapwa abanse na sa semifinals ang Singapore at Gilas Pilipinas.
Susunod na makakaharap ng Gilas Women ay ang Lithuania na gaganapin ito ngayong araw ng Linggo sa OCBC Square sa Singapore.

Share.