Natapos na ang Gilas Pilipinas Women ang kanilang kampanya sa FIBA Pre-Olympic Qualifying Tournament.
Ito ay matapos ang panalo nila kontra sa Senegal 79-75 sa laro na ginanap sa Guadalajara, Mexico.
Kapwa nagtala ng tig-16 points sina Vanesa De Jesus, Sophia Dignadice at Kacey Dela Rosa.
Mayroon na silang isang panalo at dalawang talo sa Group B ng nasabing torneo.
Ang panalo ay siyang una sa bagong head coach ng Gilas Women na si BT Toews.
Magugunitang nabigo ang Gilas Womens sa host country na Mexico 61-58 at natalo rin sila sa world number 7 na Canada 38-85.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

