Pag-aagawan ng Germany at Paraguay ang isang puwesto sa Round of 16 ng nagpapatuloy na FIFA World Cup 2026. Nakatakda ang kanilang tapatan bukas ng alas-4:30 ng madaling araw, oras sa Pilipinas.
Ang matatalo sa knockout match na ito ay tuluyan nang magbabalik sa kani-kanilang bansa, habang ang mananalo ay makakapasok sa best 16 teams at magkakaroon ng pagkakataong umusad sa quarterfinals kung maipapanalo ang susunod na laban.
Maswerteng nakapasok sa Round of 32 ang Germany matapos itong padapain ng Ecuador sa iskor na 2-1 sa kanilang huling laban.
Naging posible ito dahil sa magandang performance ng koponan sa mga nauna nilang laro. Pangungunahan pa rin ng mga German footballer na sina Jamal Musiala at Kai Havertz ang kanilang kampanya laban sa La Albirroja, ang national team ng Paraguay.
Nakapasok naman sa knockout stage ang Paraguay dala ang kanilang kilalang matinding depensa at pisikal na laro.
Sa kanilang huling laban sa Group D, nagtapos sila sa isang goalless draw kontra Australia, 0-0, na nagbigay daan upang makapasok sila sa susunod na yugto.
Trending
- Imee nakakaawa, bulag sa katotohanan – -Malacañang
- Kabataan nakagawa ng heinous crimes ihiwalay ng kulungan
- Higit 2,000 sekyu sa 48,000 iskul
- Karahasan sa iskul, konektado sa mga bayolenteng grupo
- Marcoleta, kumpiyansang mababasura lang plunder case laban sa kanya
- PBBM bumyaheng Canada sa kabila ng INC rally
- Bagyong nasa labas ng PAR magiging super typhoon sa susunod na linggo
- Digong sa mga protesta sa ‘Pinas: Ipagpatuloy n’yo ‘yan

