Idinaan sa taimtim na panalangin ni Gary Valenciano ang mga kaganapan sa Senado.
Sa kanyang post sa social media, hiling ng mang-aawit na patnubayan ng Panginoon ang mga mambabatas na gawin ang wasto.
Gary V’s post reads: “Please Lord, speak to every heart of those in the Senate. Speak in a way that they have never experienced before.
Give them courage and direction to simply do what is right in Your eyes.”
Pahabol niya: “We’re such a broken country. Lord, have mercy on us…please.”
Nitong May 26, nag-stage ng walkout ang minority senators maliban kay dating Senate President Vicente Sotto III.
Ito’y dahil iginigiit ang online voting bilang mosyon para baguhin ang Senate rules.
Inihain ni Sen. Rodante Marcoleta ang mosyon na payagang makaboto ang ilang senador para pumabor kay Sen. Bato de la Rosa.
Tinutulan ito ni Sen. Risa Hontiveros, na kinatigan ng mga kabaro sa menorya.
Si Gary V ay bayaw ni Sen. Kiko Pangilinan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

