Matapos ang makapangyarihang panalo ni Alex Eala laban kay Mary Stoiana ng United States sa unang round, muling susubok ang Filipina tennis star sa mas mabigat na hamon mamayang gabi, Huwebes, Setyembre Tres sa ikalawang round ng US Open.
Katapat niya ang Ukrainian na si Oleksandra Oliynykova, na tinalo si Reese Brantmeier sa kanilang pagbubukas na laban.
Si Eala ay WTA Number Eighteen at Number Seventeen seed na may matinding momentum matapos maaangkin ang unang WTA title sa Washington at magandang kampanya sa Wimbledon.
Kilala siya sa agresibong estilo sa hard court.
Samantala, si Oliynykova ay WTA Number Forty Six pero may kumpiyansa rin, lalo’t siya ang nakalalamang sa kanilang head‑to‑head matapos talunin si Eala sa Strasbourg Open noong Mayo.
Kung matatalo niya si Oleksandra Oliynykova sa ikalawang round, tataas ang kanyang puntos ngunit mananatili pa rin siya sa Number Sixteen live ranking.
Dinadaig pa ni Eala ang mga showbiz star dahil sa pinakahuling ulat, lumobo nang one-hundred-thirty-two percent ang presyo ng tiket.
Isa itong kamang-manghang daymensiyon nang biglaang pagsikat tulad ng isang superstar!
Ang kanyang pambihirang appeal ay hindi na lamang nakatali sa resulta ng tennis—bagkus ay nabubuo ang isang napapanahong global sensation na nagpapalutang ng kanyang personalidad at nagpapaangat sa kanyang bansa—Pilipinas!

