Pinasinayaan ang “Fight for Our West Philippine Sea” mural wall sa pader ng Manila North Cemetery, bilang simbolo ng pagkakaisa at pagmamahal ng mga Pilipino sa bansa. Pinangunahan ito ni Herbert Antonio Martinez, Chairman at Founder ng BLESSED Movement, kasama si National Youth Commission Chairperson Jeff Ortega, sa ilalim ng MANAMo Wall Project na may temang “Kulayan ang Karagatan: Kabataan Para sa West Philippine Sea.”
Layunin ng proyekto na ipakita ang pagkamalikhain, nasyonalismo, at pagkakaisa ng kabataang Pilipino sa pagtatanggol ng karapatan ng bansa sa karagatan. Sa kaniyang mensahe, pinasalamatan ni Martinez si Chairman Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia sa patuloy nitong adbokasiya at inspirasyon sa mga kabataan at civic groups, kasama ang Filipinos Do Not Yield (FDNY) Movement, ABKD, LIPI, at PADER ng Demokrasya, na nagpahayag ng pagkondena sa patuloy na panggigipit ng China sa West Philippine Sea.
Batay sa Pulse Asia survey, 94% ng mga Pilipino ang naniniwalang dapat ipagtanggol ng pamahalaan ang ating soberanya laban sa “coercive behavior” ng China((( BONG SON ))
Trending
- Porzingis, ‘di makakapaglaro sa susunod na Play-In game ng Warrios
- NLEX, nabulsa ang panalo kontra Meralco
- BINI parangalan ng Kamara sa trending performances sa Coachella 2026
- Angel, iwas magpa-picture
- Donny at Maymay, nag-unfollow sa IG; nadamay si Belle
- Multicab grinanada: driver patay
- Mekaniko nagrambo bulagta sa engkuentro; paslit nadamay
- Iligal na gawaan ng paputok, sumabog sa Bocaue

