Arestado ang isang emhenyero na kabilang sa Regional Target List (RTL) ng Philippine Drug Enforcement Agency sa isinagawang joint buy-bust operation ng Police Station 3, Regional Drug Enforcement Unit 2 (RDEU 2), City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Santiago City Police Office, at PDEA Region 2 Quirino Provincial Office Miyerkules ng madaling araw.
Kinilala ang suspek na si alyas “Mateo” 52-anyos, binata, engineer, at residente ng San Isidro, Isabela.
Nasamsam mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may tinatayang timbang na 1.5 gramo at may Standard Drug Price (SDP) na P10,200.00. Nakumpiska rin ang isang Vivo C53 cellular phone, isang Hyundai Accent, at P1,000.00 bilang buy-bust money.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 3 ang suspek para sa kaukulang disposisyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa Section 5, Article lI ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share.