Ikinasa ang rescue operation sa ilang lugar sa Paranaque City dahil sa hanggang dibdib at lampas taong baha na tumama sa lugar nitong Sabado ng gabi, Agosto 8.
Dahil sa tuloy-tuloy na malalakas na ulan dala ng Habagat ay umabot sa pitong talampakan ang lalim ng baha sa Veraville 2 Homes, Bgy. San Isidro, Valley 6, kung saan kinailangang sagipin ang isang pamilya kabilang ang walong buwang gulang na sanggol.
Ayon sa mga residente, mabilis na tumaas ang tubig sa lugar.
Samantala, istranded din ang ilang pamilya sa San Felipe Street sa Bgy. San Antonio Valley 2 na na-rescue din bandang 9:15 ng gabi sa biglaang pagtaas ng tubig.
Sa official Facebook page, hinimok ng ParaƱaque City Government ang mga residente lalo na sa low-lying areas at malapit sa daluyan ng tubig na lumikas na sa banta ng posible pang pagtaas ng tubig.
Siniguro naman ng lokal na pamahalaan ang publiko na patuloy na naka-alerto ang mga awtoridad para tulungan ang mga apektadong residente at magkasa ng forced evacuation kung kinakailangan.
====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

