Naitala ng Pilipinas ang pinakamahinang daloy ng ekonomiya sa loob ng 16 na taon, matapos bumagal sa tatlong porsiyento ang gross domestic product growth noong ika-apat na kwarter ng Dosmil Beintesingko. Kung hindi isasama ang panahon ng COVID pandemic, ito na ang pinakamababang performance ng bansa mula pa noong dosmil nuwebe.
Para sa kabuuan ng Twenty Twenty Five , nasa four point four percent lamang ang gross domestic product growth, mas mabagal kaysa sa karaniwang five point five percent growth na naitala sa nakaraang higit isang dekada.
Dahil ditto, mas kaunting oportunidad sa trabaho, mabagal ang pagtaas ng sahod, at mas mataas ang job insecurity.
Mas ramdam ang bigat ng gastusin sa pagkain, kuryente, at transportasyon.
Mas maliit ang pondo ng gobyerno para sa edukasyon, kalusugan, at ayuda.
Mas kaunting expansion at mas maingat ang mga kumpanya sa pamumuhunan.
Reaksyon ng mga Eksperto
Ayon sa mga ekonomista, ang pagbagal ng ekonomiya ay senyales ng structural weaknesses na matagal nang hindi natutugunan. Kung hindi agad makakahanap ng solusyon, maaaring magpatuloy ang mabagal na daloyng ekonomiya at lalong mahirapan ang ordinaryong Pilipino na makabangon mula sa epekto ng pandemya at mga kalamidad.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

