Muling ipinamalas ni Filipino Olympic pole vaulter EJ Obiena ang kanyang world-class na galing matapos masungkit ang panibagong gintong medalya sa Raiffeisen Austrian Open sa Eisenstadt, Austria nitong Huwebes (araw sa Pilipinas).
Nagawa ni Obiena ang impresibong talon na 5.75 metro para tuluyang makuha ang panalo, ilang araw lamang matapos din niyang magwagi ng ginto sa Czeslaw Cybulski Memorial tournament sa Poland.
Pumangalawa sa kanya ang dalawang atleta na sina Owen Heard ng Great Britain at Dan Barta ng Czechia, na parehong lumundag ng 5.55 metro.
Ito na ang ikalawang titulo ni Obiena sa 2026 outdoor season.
May magkahalong resulta sa kanyang season si Obiena. Matapos ang halos tatlong buwang pahinga, tumapos siyang pangalawa sa Dusseldorf noong Hunyo 14, ikawalo sa Doha, at pang-apat sa FBK Games noong Hunyo 21.
Agad siyang bumawi nang magkampeon sa Poland noong June 28 bago muling sumungkit ng ginto sa Austria.
====
Trending
- Gilas 3×3 prospects Diouf, Means ganap ng Pinoy
- EJ Obiena sumungkit ng magkasunod na ginto
- Ate Gay nakarekober na
- Ian de Leon, Matet de Leon nagkaayos na
- Herlene, minura isang governor
- Titser pinasabog ang bungo habang nakatayo sa gilid ng highway
- Plunder vs Marcoleta isinampa na
- Agarang aksyon laban sa child stunting

