Patuloy ang gold rush ni Filipino pole vault star EJ Obiena matapos niyang masungkit ang gintong medalya sa Golden Sand 2026 sa Międzyzdroje, Poland.
Nagtala si Obiena ng season-best na 5.91 metro sa kompetisyon na ginanap sa Promenada Gwiazd upang pangunahan ang field at maiuwi ang panibagong titulo.
Ang 5.91-meter clearance ang pinakamataas na naitala ni Obiena ngayong season, nalampasan ang dati niyang season-best na 5.85 metro, na nagbigay sa kanya ng silver medal sa Meeting Madrid sa Spain.
Nalampasan din nito ang kanyang 5.83-meter winning jump sa Stabhochsprung Meeting sa Jockgrim, Germany noong nakaraang linggo.
Hindi naging madali ang kompetisyon para kay Obiena dahil kabilang sa field ang mga beteranong international pole vaulter gaya ng mga Amerikanong sina Cole Walsh at Hunter Garretson, gayundin ang French athlete na si Robin Emig.
Ito na ang ika-8 gintong medalya ni Obiena ngayong 2026 season.
Bago ang Golden Sand, naghakot na siya ng mga gintong medalya sa Cottbus, Berlin, Halberstadt, Poznań, Eisenstadt at Tianjin, bukod pa sa iba niyang podium finishes ngayong taon.
Samantala, mahalaga rin sa kanyang world ranking ang tuloy-tuloy na pag-akyat ni Obiena sa podium at sa hangad niyang puwesto sa World Athletics Ultimate Championships.
Kasalukuyang nasa No. 13 sa mundo si Obiena at target niyang makabalik sa Top 10.
====
Trending
- EJ Obiena lumundag sa panibagong ginto sa Poland
- Pacquiao, flinex ang paghatid kay Queenie sa US
- Ivana Alawi nakapantulog sa karinderya tour
- Kim Chiu binantaang papatayin
- Amy Austria 6 taong nakipaglaban sa drug addiction
- Brig. Gen. Mikee. nagbitiw
- Guteza binawi pasabog vs Romualdez; Marcoleta, Defensor nilaglag
- 10 araw na service incentive leave, isinusulong

