Sa kauna-unahang pagkakataon, lalaro si Alex Eala bilang seeded player sa isang Grand Slam—at sa paborito niyang Wimbledon.
Pero nakatakda muna siyang sumabak sa unang round ng Bad Homburg Open ngayong Lunes laban kay Elise Mertens ng Belgium na World Number Twenty Four, na dalawang beses nang tumalo sa kaniya sa nakaraang mga torneo.
Sa ngayon, Number Twenty Nine ranked sa Wimbledon Twenty-Twenty Six si Alex bilang seeded player.
Bilang seeded player, maiiwasan ni Alex ang mga kapwa niya nasa Top Thirty Two sa unang dalawang round, kaya’t mas magaan ang daan niya sa torneo.
Hindi niya agad makakaharap sina World Number One Aryna Sabalenka, Elena Rybakina, o Iga Świątek sa mga unang laban.
Mauuna ditto, haharapin niyan ngayon si Mertens na dating World Number Twelve at unang beses silang magtatagpo sa grass court.
Kaugnay nito, taglay ni Alex ang momentum mula sa pagpasok sa semifinals sa Berlin patungo sa susunod na torneo sa parehong bansa, kung saan siya’y makikipagtambal sa dating World Number One na si Venus Williams ng United Sttes sa isang makasaysayang partnership saHomburg Open ngayong Lunes.
Ang 21-anyos na si Alex at ang kuwarentay -sais -anyos na si Williams ay nakatakdang makaharap ang isang qualifier duo sa Round One .
Dapat sanang makalaban ng tambalang Pilipina-Amerikano ang koponan nina Shuko Aoyama ng Japan at En-Shuo Liang ng Chinese Taipei, ngunit umatras si Liang dahil sa injury.
Dahil dito, nagkaroon ng dagdag na araw ng paghahanda sina Alex at Venus habang hinihintay ang qualifying round
Ang laban sa Bad Homburg ay magsisilbing rehearsal para sa mas malaking entablado sa London.

