Matapos ang makasaysayang panalo laban kina World Number Two Elena Rybakina at World Number Eight Elina Svitolina, natapos ang kampanya ni Alex Eala sa Berlin Open nang siya’y mapatigil ni Linda Noskova, Six-Two; Six-Four, nitong Linggo ng umaga .
Ang pagkatalo kay Noskova ay naglagay ng hangganan sa kanyang Berlin run, ngunit nagbigay pa rin ng mahalagang puntos para sa W.T.A. rankings.
Sa kabila ng semifinal exit, nananatiling bukas ang pintuan para sa kanyang Top Thirty Two seeding sa Wimbledon, na kritikal upang maiwasan ang maagang sagupaan laban sa mga top seeds.
Ang cutoff para sa Wimbledon seeding ay Hunyo Beinte Dos, DosMil BeinteSais, kaya’t bawat puntos mula sa Berlin ay may bigat sa kanyang “saga.”
Nakatakda siyang lumaro sa Bad Homburg Open simula Lunes, bilang bahagi ng kanyang tuloy-tuloy na paghahanda para sa Wimbledon ngayong buwan.
Ang kanyang mga panalo kontra sa top Ten players ay nagpapatibay sa reputasyon ni Eala bilang “giant-slayer” sa international tennis.
Ang kanyang performance sa Birmingham , Berlin at dito sa Homburg ay magbibigay ng kumpiyansa bago ang Wimbledon main draw na magsisimula sa Hunyo Beinte Nuwebe , Dosmil Beinte Sais.
“Mula Birmingham patungong Wimbledon, dala ni Alex ang bandera ng Pilipinas sa pinakamalalaking entablado ng tennis.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

