Eat your heart out.
Wari’y ito ang pang-inggit ng mga kaedad ni dating llocos Sur Governor Chavit Singson sa kanyang mga bashers.
Viral kasi ang isang Facebook post kung saan makikita si Chavit seated on a long table na may mga ka-meeting.
Pero agaw-pansin ang katabi niyang pretty girl in her early 20s na hindi taga-showbiz.
Sa biglang tingin, nakakahawig nito si Sanya Lopez.
Tulad ng inaasahan, bumaha ng sandamakmak na reaksyon ang video na ‘yon patungkol sa 84 anyos na businessman.
llan lang sa mga comments ay: “Pag mayaman, no problem kahit lolo na siya!”
“Ayaw kasi ni Jillian Ward, eh!”
Imagine, damay pati ang nananahimik na Kapuso actress na minsang iniugnay kay Chavit?
“Wow! Sorry talaga pero kadiri ang mga ganitong lalaki! Respeto na lang sana sa sarili mo! Para mo nang apo ‘yan!”
Maka-jump into conclusion naman ang iba riyan.
Hindi ba puwedeng magkaibigan lang si Chavit at ang teenage girl na ‘yon, or malayong magkamag-anak?
Trending
- Thunder, hawak na ang 2-0 lead vs Suns
- Converge, tinambakan ang TNT, 97–92 sa PBA Commissioner’s Cup
- Dyowa ni Chabit, bagets!
- Derrick, 100% na kay Elle Villanueva
- Kanang tenga ni Andi, naimpeksyon
- AI cameras laban sa illegal na pagtatapon ng basura
- Digong, lilitisin ng ICC sa Okt. 2026 hanggang Peb. 2027
- Iran ‘di pasasabugan ng nuclear weapon – Trump

