Tumakas ang isang drayber nang magpa-full tank sa isang gasoline station sa Zone 3, Sinaloc, El Salvador City.
Sa ulat, bigla na lamang pinaharurot ng drayber ang kanyang sasakyan patungo sa Iligan City nang matapos mapakargahan ng gasolina.
Dahil dito, napilitang sagutin ng gasman na kinilalang si alyas “Junjun” ang halagang mahigit P7,000, na isang mabigat na pasanin lalo na para sa kanyang pamilya.
Sa kasalukuyan, pinaghahanap na ng mga awtoridad ang naturang sasakyan at drayber.
Patuloy naman ang paalala ng pulisya sa mga motorista na maging responsable sa pagbabayad ng tamang serbisyo upang maiwasan ang ganitong insidente.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

