Inanunsyo ng Department of Energy (DOE) ang panibagong rollback sa presyo ng diesel at kerosene simula Martes, Abril 28.
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na may hindi bababa sa P12.94 na bawas sa presyo ng diesel at P15.71 na rollback sa kerosene.
Samantala, may P0.53 namang dagdag sa presyo ng gasolina.
Dahil dito, inaasahang aabot sa P75.93 hanggang P107.06 ang kada litro ng diesel, P125.39 hanggang P147.98 ang kerosene, at P72.53 hanggang P104.93 ang gasolina.
Sa tala ng DOE, inaasahang tatagal pa ng 54 na araw ang kabuuang suplay ng langis sa bansa, kung saan naitala ang 53.91 araw na suplay sa gasolina, 54.61 araw sa diesel, at 168.74 araw sa kerosene.
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

