Naniniwala si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes na hindi niya magagawa ang mga bagay na ginagawa niya ngayon kung wala ang suporta ng misis niyang si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.
Sa latest episode ng “KC After Hours” noong Sabado, Abril 4, sinabi ni Dingdong na kung anoman ang estado niya sa kasalukuyan ay bunga ng desisyon niyang piliin si Marian na makasama.
“Sa tingin ko, nandito ako dahil pinili kong nandito ako kasama siya. At kung ano man ‘yong maging resulta no’n, I think it’s a grace from God. It’s God’s gift,” saad ni Dingdong.
Dagdag pa niya, “Malaking factor ‘yong kaniyang suporta sa akin, hindi lang professionally but also personally. Naintindihan ko ‘yong mas malalim na reason of having a spouse, not just as maybe as co-parents but also as a partner in life.”
Sa kasalukuyan, maglalabindalawang taon nang kasal sina Marian at Dingdong. May dalawa na rin silang anak, sina Zia at Sixto.
Kinumpirma nila ang kanilang relasyon sa publiko noong 2010, apat na taon bago sila mag-isang-dibdib.
====
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects

