Hinikayat ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang mga nagsasagawa ng protesta sa bansa na ipagpatuloy lang ito sa gitna ng aniya’y mga nangyayaring pang-aabuso.
Ibinahagi ito ng kanyang anak na si Veronica “Kitty” Duterte sa panayam ng mga tagasuporta ng dating pangulo sa The Hague, Netherlands noong Miyerkoles, Hulyo 1.
Ayon kay Veronica, kabilang sa ibinahagi niyang nangyayari sa Pilipinas kay dating Pangulong Duterte ang ikinasang rally ng Iglesia ni Cristo.
“Maiksi lang ‘yung sinabi niya. He said, “Sa mga Pilipino, ipagpatuloy n’yo ‘yan.” So, take it however you think it means,” ani Veronica.
“Sa abuso nila sa atin, darating ‘yung panahon na mapupuno talaga ‘yung Pilipino. So, ipagpatuloy n’yo ‘yan. ‘Yun ‘yung sinabi ni PRRD,” dagdag niya.
Samantala, nanawagan din si Veronica sa publiko na ipaglaban ang bansa at kapwa Pilipino.
“In whatever way you can, to all the Filipinos, ipaglaban n’yo ang Pilipinas, ipaglaban n’yo ang kapwa natin. Kasi hindi sila titigil hanggang tayo na talaga ‘yung magtayo para sa sarili natin. Hopefully, everything is peaceful,” ani Veronica.
Trending
- Alden Richards naluha sa National Teacher’s Day
- Alex Eala sa Chanel Show
- Jasmine Curtis-Smith bida sa “We Could Be In Love”
- Grandmaster Engr. Asi Ching nakatutok sa Top 5
- Philippine team Asiad Heroes pinarangalan
- NCAP hindi ipatutupad sa Valenzuela City
- LIWLIWA BEACH SA ZAMBALES IDINEKLARANG DANGER ZONE
- TATLONG MOST WANTED SA BATAAN, ARESTADO

