Mariing kinondena ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang inilabas na AI-generated video at editorial cartoons ng China Daily kaugnay ng 2016 South China Sea Arbitral Award.
Sa isang pahayag, iginiit ng DFA na “As a Chinese state-run media outler, China Daily’s conduct goes beyond legitimate political debate and employs blatantly demeaning, dehumanizing, and racist depictions of Filipinos.”
Partikular na tinukoy ng ahensya ang isang video na inilabas noong Hulyo 10 kung saan umano’y inilalarawan ang mga Pilipino bilang mga unggoy, na umano’y “deeply offensive, distressing, and unacceptable.”
Binigyang-diin din ng kagawaran na bagama’t paulit-ulit nang tinututulan ng Pilipinas ang maling naratibo hinggil sa arbitral ruling at sa posisyon nito sa South China Sea, hindi kailanman katanggap-tanggap ang paggamit ng ganitong uri ng imahe.
Iginiit pa ng DFA na ang naturang materyal ay lalo lamang nagpapalalim ng kawalan ng tiwala sa pagitan ng Pilipinas at China.
“The Philippines demands that the offensive material be taken down, calls for the immediate cessation of such irresponsible content, and urges China to uphold dignity, respect, and truth in public discourse,” dagdag pa ng ahensya.
=====
Trending
- Zsa Zsa, ginunita ang 14th death year ni Dolphy!
- Mariel, nagsuot ng doctoral regalia sa graduation
- Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan
- Mas mataas na reputasyon ng mga marinong Pilipino
- Pilipinas umangat sa global startup rankings
- Saging nagpatibay sa export sa New Zealand
- Confidential funds ni VP , pinakamahabang tatalakayin
- 4 grupo, may kilos protesta sa SONA ni PBBM

