Nasabi ni Derrick Monasterio sa interview ng press sa special screening ng movie niyang Neophyte ’26, na ang girlfriend niya for 4 years na si Elle Villanueva ang babaing pakakasalan niya 2 to 3 years from now.
Ani Derrick: “Si Elle ang bukod tanging babae na nagpabago sa akin. Apat na taon na kami ngayong mag-on. Dati, mabilis akong magpalit ng girlfriend. Pero nang nakilala ko si Elle, siya na ang babaing gusto kong makasama sa buhay.”
First movie team-up nina Derrick at Elle ang Neophyte ’26 ni Direk Rommel Penesa ng GMA 7.
Samantala, sabi ni Direk Rommel, na nang gagawin niya ang Neophyte ’26 movie, nasa isip na niya ang tambalang Derrick at Elle.
Na-handle na ni Direk Rommel ang dalawa sa teleserye ng Kapuso Network.
Si Derrick naman ang nagsabi na first movie team up nila ni Elle ang Neophyte ’26.
Pero sa GMA7, apat na beses na silang nagkasama.
Tinanggap ni Derrick ang movie dahil isang advocacy film ito tungkol sa issue ng hazing sa fraternity.
In real life, noong estudyante sa kolehiyo si Derrick ay umiwas siya sa fraternity.
Pero sa movie ay pumayag siyang maging member ng fraternity dahil sa influence sa kanya ni John Lucas, ang kontrabida sa pelikula.
Malapit nang ipalabas ang Neophyte movie, na tampok din ang actress na si Angelica Jones at ang anak niyang si Angelo Jones Alday.
Role ni Angelica ang mapagmahal na ina ni Derrick na ipaglalaban lagi ang kapakanan ng anak.
Ipinakita sa movie ang sobrang pagmamahal ng ina sa anak.
Trending
- Sixers muling kinastigo ang Celtics
- DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete
- Kathryn, engaged na
- lan, nagsalita na sa kasal ni Bea
- Derrick, plano nang magpatali!
- 4K magsasaka apektado ng matinding init sa Sarangani
- LTO: Walang blanket ban sa e-bikes, e-trikes
- Presyo ng gasolina, diesel tataas sa susunod na linggo

