Isang napapanahong advocacy film ang “Neophyte 26” na tiyak na tatagos sa puso ng moviegoers. Ito’y pinagbibidahan nina Derrick Monasterio at Angelica Jones.
Ang hunk aktor na si Derrick ay biktima rito ng hazing. Bunsod nito ay nalagay sa peligro ang kanyang buhay.
Katuwang ni Derrick sa pelikula si Angelica, na ang papel ay bilang kanyang ina.
Gumaganap dito si Derrick as Ned, isa siyang binatang haharap sa matinding pagsubok sa buhay.
Makikita rito ang kuwento ng sakit, pangarap, pagmamahal, at sakripisyo para sa kinabukasan.
Si Angelica naman as Nelia, ay ang mapagmahal at matatag na ina, na handang isakripisyo at ibigay ang lahat para sa kanyang anak na si Ned.
Gagawin niya ang lahat kahit gaano kahirap, para lang maabot ni Ned ang kanyang mga pangarap sa buhay.
Nagkuwento si Angelica hinggil sa kanilang movie.
Aniya, “Bilang isang ina, masakit at mabigat sa dibdib talaga na halos mamatayan ka ng anak.
“Kakaiba ang role ko rito, kapag napanood nila ang movie na ito, lalabas sila sa sinehan na hindi puwedeng hindi sila iiyak talaga. Itong movie, may iyakan, may love story and drama, and iyong kilig. Of course iyong aral sa mga magulang, teachers and students, and iyong brotherhood and sisterhood.”
Ang pelikula ay sa pamamahala ni Direk Rommel Penesa and written by Charlotte Dianco.
Humingi ng suporta sa press si Direk sa kanilang pelikula.
Aniya, “Ako po, hindi nyo po naitatanong Tau Gamma po ako. I’m proud to say that I’m part of the Tau Gamma, pero I’m not proud kapag may namamatay (sa hazing). Gusto ko lang pong ipakita kung bakit pumapasok sa frat ang mga anak ninyo, mga kapatid ninyo…
“Sana po suportahan nyo ang pelikulang ito, napakagaling nang pagganap ng mga artista rito lalo na po si Angelica Jones… bilang isang ina sa pelikulang ito, maraming matututunan dito, lalo na po ang mga magulang. Makikita rito ang pagmamahal ng mga magulang sa anak.”
Ang pelikula ay hatid ng Empowerment Productions and Spring Ferry Productions.
Tampok din dito sina Elle Villanueva, Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Andrea del Rosario, Ronald Adamat, Lance Raymundo, Mike Lloren, Mosang, Maxine Trinidad, Chris Leonardo, at introducing dito si Angelo Jones.
Trending
- Shaina Nitura ang kinoronahang UAAP Season 88 MVP
- PLDT nasungkit tansong medalya sa All-Filipino
- KC, may bagong paraan sa pagbabawas ng timbang
- Julia buntis, umatras sa ‘Sigabo’
- Derrick, biktima ng karahasan!
- Reporma sa PNPA ikakasa na dahil sa hazing incident
- April 22 impeachment hearing pumatok sa viewers
- Leni Robredo: Walang ‘savior’ sa politika

