SA block screening ng advocacy movie na Neophyte 26 ay muling sinabi ng bida na si Derrick Monasterio kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend na si Elle Villanueva, na kasama rin sa pelikula.
Paulit-ulit niyang sinabi na 100 percent sure na raw siya kay Elle.
Sinabi ni Derrick na 100 percent ay si Elle na ang kanyang pakakasalan at makakasama sa forever.
βIn fact kapag nagpa-plan nga ako na magpagawa ng house, soya agad ang unang tinatanong ko sa design,β sabi pa ni Derrick.
Anyway, ang advocacy filn ni Derrick na Neophyte β26 ay isang action/drama movie about sa hazing, bullying at fraterniry.
Umiikot ang kwento kay Ned (ginagampanan ni Derrick), isang binatang may pangarap na iangat ang buhay ng kanyang pamilya.
Haharap siya sa matitinding pagsubok, kabilang ang mga realidad sa fraternity at sa personal na buhay.
Ipinapakita ng pelikula ang sakit at sakripisyo, pagmamahal ng pamilya at katapangan sa gitna ng problema.
Kasama rin sa pelikula si Angelica Jones na gumanap bilang si Nelia, ang ina Derrick.
Isang mapagmahal at matatag na ina ang role ni Angelica na gagawin ang lahat para sa anak.
Kasama rin sa cast sina Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Lance Raymundo at Andrea del Rosario, sa direksyon ni Rommel Penesa.
Napapanahon ang tema ng Neophyte β26 dahil mainit ngayon ang mga balita tungkol sa hazing at fraternity culture sa school.
Kasabay nito ay ipinakikita rin ang laban ng isang anak at ng kanyang pamilya.
May aral ang nasabing pelikula and we strongly suggest na lumibot ito sa mga eskwelahan at panoorin ng mga estudyante.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

