Nilinaw ng Star Magic na tuloy ang qualified theft case na isinampa ni Kim Chiu laban sa kanyang Ate Lakam.
Ito’y makaraang kumalat ang lumang video noong maayos pa ang relasyon ng magkapatid.
Taong 2023 pa ang video na ‘yon.
Ayon sa talent arm ng ABS-CBN, “the circumstances no longer represent the present situation.”
Nagdemanda lang naman daw ang TV host-actress nang matuklasan ang “material information that came to light in 2025.”
Criminal complaint ang isinampa ni Kim, na pinanindigan nito “to establish the truth, hold the responsible parties accountable and seek justice.”
Ito’y para na rin maiwasan ang “misunderstanding arising from previously recorded statements.”
December 2025 nang sampahan ni Kim ng demanda ang kanyang ate dahil sa isyu ng pananalapi.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

