Umangat ang record ng Converge matapos tambakan ang TNT, 97–92, sa PBA Season 50 Commissioner’s Cup na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumida ang locals ng FiberXers sa pangunguna ni Justin Arana na may 21 points at 10 rebounds, habang nag-ambag naman si Juan Gomez de Liaño ng 16 points, 7 rebounds, 7 assists, at 3 steals.
Nagdagdag din si Alec Stockton ng 13 puntos at Mikey Williams ng 13 puntos laban sa dati niyang koponan.
Nahila ni coach Delta Pineda ang panalo matapos hamunin ang kanyang local players na bumawi, lalo na’t nahirapan si import Kylor Kelley na tumapos lang ng 4 points pero may 9 rebounds.
Lumamang ang Converge sa fourth quarter hanggang 10 points matapos ang mga clutch baskets nina Stockton at Arana.
Tinangkang habulin ng TNT sa huling minuto ang laban sa pamumuno ni Bol Bol, pero nanatiling matatag ang depensa ng FiberXers para manalo.
Dahil dito, umangat ang Converge sa 3–6 record.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

