Mula Hulyo 16 hanggang Agosto 12 ay wala pang naitalang pinaghihinalaan o validated election related incident sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Parliamentary Elections .
Batay sa pinagsamang monitoring report ng Commission on Elections at Philippine National Police, wala ring naitalang marahas na insidenteng may kaugnayan sa halalan.
Sa kabila nito, nakapagtala naman ng 12 paglabag sa gun ban habang 17 sibilyan ang naaresto.
Umabot sa 23 armas ang nakumpiska, kabilang din ang siyam na small arms, siyam na light weapons at limang pampasabog, bukod pa sa 100 bala.
Nakapagsagawa rin ang mga awtoridad ng 18,457 COMELEC checkpoint sa BARMM mula nang simulan ang monitoring period.
Matatandaang nakatakdang isagawa ang kauna unahang BARMM parliamentary elections sa September 14,2026.
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

