Nagbabala si Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia laban sa mga kandidatong masasangkot sa premature campaigning para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na mahaharap sa kaukulang parusa.
Ipinaliwanag ng Comelec chairman na ang mga maghahain ng kanilang kandidatura mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 5 ay itinuturo ng mga kandidato bago pa man ang pagsisimula ng panahon ng pangangampaniya sa Oktubre 22, 2026, sa ilalim ng manual election.
Sa automated elections naman, ang mga aspirant ay ituturing na kandidato pa lamang sa simula ng panahon ng kampaniya.
Kaya’t, ayon kay Garcia, ang mga kandidatong maghahain ng kandidatura sa Setyembre 28 hanggang Oktubre 5 at makikitang nangangampaniya, kakasuhan ang mga ito ng pagkakakulong ng isa hanggang anim na taon at diskwalipikasyon na humawak ng posisyon sa gobyerno.
Ipinaalala rin ng Comelec official na ipinagbabawal ang paggamit ng resources ng gobyerno sa pangangampaniya lalo na sa mga nakaupong opisyal, na mahigpit din aniyang imomonitor ng poll body.
Ang campaign period ay tatakbo mula Oktubre 22 hanggang 31 ng kasalukuyang taon habang idaraos naman ang mismong local elections sa Nobiyembre 2, 2026.
Trending
- Voter registration muling bubuksan sa Feb 2027 – Comelec
- Critical minerals cooperation pinaplantya ng Pinas at Netherlands
- Alex Eala umangat sa World No. 38
- Thunder star Shai Gilgeous-Alexander muling tinanghal na NBA MVP
- Ruffa, nag-thank you sa ex
- Dyowa ni Bea na si Vincent namataan sa Spain sa araw sana ng kasal
- Kai, may hanash sa mga loveteam
- Patas na imbestigasyon sa gulo sa Senado siniguro

