Nilinaw ng kampo ni Coco Martin na ‘walang kaugnayan ang aktor sa anumang uri ng sugal o online gaming platforms na kumakalat online at iginiit na hindi niya ito ineendorso.
Sa isang pahayag ng CCM Film Productions noong Miyerkules ng gabi sa social media, binigyang-diin na anumang endorsement, post sa social media, o materyales na nagpapakita ng pangalan, mukha, o anumang koneksyon kay Coco sa gambling ay hindi awtorisado at mapanlinlang.
Pinayuhan ng kampo ang publiko na maging mapanuri at iwasan ang pakikilahok sa ganitong uri ng mapanlokong promosyon.
”Para sa mga opisyal na anunsyo at lehitimong endorsements, mangyaring tumingin lamang sa kanyang mga opisyal at beripikadong channels,” ani sa post ng CCM.
Si Coco, na nakilala sa mga sikat na teleserye, ay kasalukuyang naghahanda para sa bagong serye nito, kasama ang kanyang partner na si Julia Montes.
Una rito, sinabi ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na may mga suspetsa ang mga ahensya ng gobyerno na may ilang celebrities at influencers na sangkot sa pagpapalaganap ng ilegal na online gambling.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

