Isang mahusay na coach ang pagkakakilala ni veteran basketball coach Chot Reyes kay dating Ateneo Blue Eagles head coach Tab Baldwin.
“Tab Baldwin is a very good coach,” saad ni Reyes sa panayam ni Boy Abunda.
Aniya, nagkakaroon umano sila ng pag-uusap at may pagkakataon na nakatrabaho niya si Baldwin kaya masasabi niyang magaling itong coach.
“I got him as my assistant in 2013 when we got that historic win in the FIBA Asian Championships, that got us our first World Cup participation. And I got him as my assistant because he’s technically a very good coach,” ayon kay Reyes.
Dagdag pa niya, “He has very clear concepts on defense and offense. And he’s a very good teacher. He can teach a game very well.”
Kasabay nito, nanawagan din si Reyes ng aniya’y “healing” at pagtigil sa mga walang basehang espekulasyon kaugnay ng pagkamatay ng mga Ateneo player na sina Rene Baterbonia at Divine Adili.
“Ang panawagan ko is healing,” anang coach. “Ang panawagan ko is to stop all the baseless speculations. Some people are just speculating out of, I don’t know, ignorance, not knowing really what the whole issue is.”
Ayon pa kay Reyes, may mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon na lalo lamang nakadaragdag sa sakit na nararanasan ng mga naulila.
“Two families were aggrieved. We’ve lost two members of our community. So find ways to heal, not only for the families but for everybody,” pahayag pa ni Reyes.
Trending
- Mommy ni Eman Bacosa: ‘Malinis ka maglaro at ‘di madaya
- Coach Chot Reyes ‘very good coach’ ang pagkakakilala kay Tab Baldwin
- Pops Fernandez nagreak sa kanyang estatwa
- Catriona Gray trending sa Thailand
- Piolo Pascual ‘tinuka’ si Arci Muñoz
- DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo
- Ikalawang dagdag-toll sa SLEX, STAR, ipatutupad sa Hulyo 1
- Proseso sa pagpapalit ng mga konsyumer ng supplier ng kuryente hiniling paikliin

