Malungkot si Dennis Padilla matapos niyang malaman na naghain umano ng petisyon ang anak niyang si Claudia Barretto upang legal na alisin ang kanyang apelyido sa pangalan nito.
Si Claudia ang ikalawang anak nina Dennis at dating misis na si Marjorie Barretto. May dalawa pa silang anak na sina Julia at Leon.
Sa Instagram post noong Hunyo 8, ibinahagi ni Dennis ang larawan ng dokumentong inihain sa Regional Trial Court Branch 302 sa Quezon City.
Batay sa dokumento, nais umano ni Claudia na baguhin ang kanyang pangalan mula sa Claudia Isabelle Barretto Baldivia tungo sa Claudia Isabelle Barretto.
Kapag naaprubahan, tuluyan nang mawawala sa kanyang pangalan ang apelyidong Baldivia, na tunay na apelyido ni Dennis.
Hindi naman nakasaad sa dokumentong ibinahagi online ang buong detalye ng petisyon, ngunit malinaw umano rito ang hangarin ni Claudia na gamitin na lamang ang apelyido ng kanyang ina.
Sa kabila ng kanyang kalungkutan, sinabi ni Dennis na hindi magbabago ang kanyang pagmamahal sa anak.
“Kung ang lungkot ko ay kasiyahan mo anak… Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa’yo Claudia,” ani Dennis.
Sa caption ng kanyang post, sinabi rin niyang nirerespeto niya ang naging desisyon ng anak.
“Love you Claui… I respect your decision… Malungkot lang talaga😢❤️,” dagdag pa niya.
Sa isa pang post, ibinahagi rin ng aktor ang lumang larawan nila nina Julia at Claudia noong mga bata pa ang mga ito.
“MISS You…Julia and Claudia Baldivia…. With or without the family name…Same love, same hope,” saad niya sa larawan.
“If my sadness will bring joy to you my children… My heart is full… Same Love Same Hope♥️😢,” dagdag pa niya sa caption.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

