Pumasok na sa preliminary investigation stage ang mga reklamong isinampa laban kina Senador Chiz Escudero at Leyte Rep. Martin Romualdez kaugnay ng umano’y anomalya sa flood control projects.
Kinumpirma ito nitong Huwebes, Mayo 21 ni Assistant Ombudsman Mico Clavano.
Ayon kay Clavano, nakatanggap na umano ng utos si Escudero upang magsumite ng kanyang counter affidavit.
“‘Yung kay Senator Chiz Escudero ay nasa preliminary investigation stage na po. There was an order to submit counter affidavit, na-receive ng opisina ni Chiz Escudero,” ani Clavano.
Dagdag pa niya, hinihintay na lamang ng Ombudsman panel ang sagot ni Escudero upang tuluyang umusad ang kaso.
Samantala, nasa preliminary stage na rin umano ang reklamong may kaugnayan sa money laundering laban kay Romualdez.
Una nang itinanggi nina Romualdez at Escudero ang pagkakasangkot sa flood control scandal.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

