Nagbabala ang Philippine Space Agency (PhilSA) sa posibleng pagbagsak ng rocket debris ng China sa loob ng Philippine archipelagic waters at exclusive economic zone (EEZ).
Ito ay matapos ilunsad ang Long March 8A mula sa Hainan International Commercial Launch Center sa Wenchang, Hainan, China, bandang 4:52 p.m. (oras sa Pilipinas) noong Martes.
Ayon sa PhilSA nitong Miyerkoles, may dalawang posibleng drop zone ang rocket debris.
Kabilang sa unang drop zone ang mga lugar na 92 nautical miles mula sa Patag Island, 143 nautical miles mula sa Bajo de Masinloc, at 194 nautical miles mula sa Busuanga, Palawan.
Ang ikalawang drop zone ay sa 52 nautical miles mula sa Puerto Princesa, Palawan; 23 nautical miles mula sa Tubbataha Reefs Natural Park; 103 nautical miles mula sa Pangutaran Island, Sulu; at 113 nautical miles mula sa Hadji Muhtamad, Basilan.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

