Ang bongga ni Charo Santos, ha! Imagine, pinasok na rin talaga niya ang mundo ng social media.

Kaya naman, ngayon pa lang ay marami na agad ang nagsasabi na si Charo na nga ang bagong ‘Social Media Darling’.

“Hindi tumatanda!”

“Kaya niyang makipagsabayan!”

“Charo, puwede nang pambato sa Chinese drama!”

Ganiyan nga ang chika ng mga netizen, faney kay Charo. At bongga nga siya, dahil hindi talaga siya nagpakabog sa latest dance trend ng NSYNC na ‘I Want You Back’ at todo cheer talaga ang mga faney niya dahil super game nga raw siya.

Kaya hirit pa rin nila, “Doesn’t look 70!”

Siyempre, kilig na kilig si Charo sa title na ‘Social Media Darling’, na hindi raw niya na-imagine na sa edad niya ngayon pa niya makukuha o mararanasan.

Well, ngayon nga ay may bago na naman siyang paandar, at `yon ay ang ‘Rich Boyfriend’s Mom’ (RBFM) microdrama series, na kung saan ay gumaganap siya bilang fabulously wealthy mother, na ang bet na bet gawin ay paghiwalayin ang anak niya at ang girlfriend nito.

Sa series nga na ito makikita ang comedic timing niya.

“Mam Charo, puwede nang pambato sa Chinese drama!” hirit ng mga faney.

Well, sabi nga, with her commanding presence, impeccable comic timing, and ability to switch from elegant media icon to hilariously scheming mom, Santos has made the character her own.

Bongga si Charo, na mula sa microdrama villainess to dance-trend queen, aba, lahat talaga ay kaya niyang gawin.

Well, sikreto nga raw ng social media appeal ni Charo ay hindi trying hard ang dating niya, na pinapakita lang talaga niya kung sino si Charo, na nagi-enjoy nga lang.

At `yun nga ang gustong makita ng mga tao sa internet ngayon.

====

Share.