Usap-usapan ang bonggang pa-flowers ni Richard Gutierrez kay Barbie Imperial sa social media.
In gratitude, ibinida ni Barbie sa Instagram ang sandamakmak na floral arrangements, with matching candles pa, all inside a room.
“Thank you,” simpleng caption sa photo.
Halatang kinilig si Barbie sa mga pink at pastel-colored flowers.
Sa isa pang larawan, makikita ang aktres na naka-upo sa sahig, at ang likod ni Richard na nakaharap sa mga bulaklak.
Hindi napigilan ng netizens na maghinala na may naganap na proposal.
To this day, neither of them has spoken tungkol sa takbo ng kanilang relasyon—although between the two, mas demonstrative na si Barbie.
Pero gaya nga ng sabi ng isang netizen, mas mabuting hintayin munang ma-annul ang kasal ni Richard kay Sarah Lahbati.
On process pa kasi ito kaya legally, gustuhin man nina Richard at Barbie ay hindi maaari.
In the meantime, “tiis-ganda” ka muna, Barbie… mahirap makasuhan!
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

