Pumayag ang Israel at Lebanon sa 45-araw na pagpapalawig sa ceasefire na nagpahupa sa tensyon sa pagitan ng Israel at Iran-backed Hezbollah sa southern Lebanon.
“The April 16 cessation of hostilities will be extended by 45 days to enable further progress,” sinabi ni State Department spokesperson Tommy Pigott.
Dagdag pa niya, layon ng usapan na maisaayos ang ilang dekada nang gulo sa pagitan ng dalawang bansa at tinukoy niyang ang usapang ito ay “highly productive.”
Nakatakda sanang matapos ang ceasefire bukas, Mayo 17.
Nag-isyu ng mga positibong pahayag tungkol sa usapin ang Lebanese at Israeli delegations na ikatlong pagpupulong mula nang maglunsad ng air attacks ang Israel sa Lebanon matapos namang magpakawala ng mga missile ang Hezbollah sa Israel noong Marso 2.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

