Napa-“OMG!” na lang ang mga nakatisod sa post ni Cacai Velasquez, kapatid ng Asia’s Songbird na si Regine.
Ang post ni Cacai ay tungkol sa Meralco bill niya this month of June.
Ang halaga to be exact na ikinabaliw ni Cacai ay–P94, 355.21!
Marami tuloy ang naka-relate sa kanya.
Giit ni Cacai: “Bahay lang po kami, hindi commercial building!”
To prove she wasn’t making up stories kung kaya’t napilitan siyang i-post ang bill.
Tsinek ito ng mga netizens at napansin nilang may sablay sa reading.
May mga nagbiro pang kaninong maleta mapupunta ang sobrang bayad sa Meralco, at baka daw pati bill ng kapitbahay ay nakakarga kay Cacai!
Hay, naku…kung puwede lang bantayan pag nagri-reading ang Meralco!
=====
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

