CAMANAVA NGAYON–Isang pitong buwan buntis ang nasa malubhang kalagayan matapos pagsasaksakin ng kanyang live-in partner na umano’y nasa impluwensiya ng bawal na droga sa Navotas City.
Patuloy na inoobserbahan ng mga doctor sa Navotas City Hospital sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan ang 18-anyos na biktimang itinago sa pangalang “Marie”, pati na ang sanggol sa kanyang sinapupunan.
Habang naaresto naman kaagad ni PCMS Roberto Santillan ng Navotas Police Patrol Base-2 ang suspek na si alyas “Kevin”, 32, na umano’y nahuhumaling sa ilegal na droga.
Sa report ni Pat. Noriza Panogalinga kay Navotas police chief P/Col. Renante Pinuela, habang naliligo ang biktima sa banyo ng kanilang tirahan sa B. Cruz St. Tangos North pasado alas-12:00 ng tanghali, nang biglang pumasok ang suspek na armado ng patalim at magkakasunod na inundayan ng saksak ang biktima sa iba’t-ibang bahagi ng katawan at leeg.
Nagsisigaw naman na humingi ng saklolo si ‘Marie’ at nang banggitin niya ang salitang “Love”, dito lang itinigil ng suspek ang pananaksak kaya nagawang makatakbong palabas ng banyo ang biktima.
Sumaklolo naman ang lalaking kapatid ng suspek na agad isinugod ang biktima sa naturang pagamutan habang kaagad namang naaresto ang suspek dahil sa mabilis na pagresponde ni PCMS Santillan.
Ayon sa pulisya, sinabi ng suspek na tila may bumubulong sa kanya na gawin ang krimen at hindi niya alam na kinakasama niya ang kanyang nasaksak.
Sinampahan ng kasong frustrated homicide in relation to Anti Violence Against Women and their Children Act ang suspek sa Navotas City Prosecutor’s Office. (Roger Panizal)
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

