Kinumpirma ni PCol. Benaly Bayani, Chief ng Internal Medicine Department ng Philippine National Police na nasa PNP General Hospital si dating DPWH Secretary Manuel Bonoan.
Ayon kay Bayani, sumasailalim pa rin si Bonoan ngayon sa treatment para sa Hypertensive Vascular Disease at Chronic Kidney Disease.
Nang tanungin naman kung kailan siya nailipat , sinabi naman ng PNP na magbibigay sila ng eksaktong detalye kung kailan binalik ang nasabing dating kalihim.
Nabatid na nilipat sa pribadong ospital si Bonoan dahil sa kaniyang kondisyon.
Si Bonoan ay nahaharap sa kasong plunder kaugnay ng flood control scandal, kung saan kasama nya sa nasabing mga kaso sina Senator Jinngoy Estrada at tatlong iba pang opisyal.
Trending
- Illegal drugs nasabat sa Makati City
- EV CHARGING STATION PINASINAYAAN SA MAYNILA
- 2 adik dinampot
- Tesda, NCCA, NCIP naglabas ng gabay sa GAMABA Cultural Master at Bearer
- Drug den sinalakay, 8 suspek tiklo
- Malabon City: Ligtas na paggunita sa Undas tiniyak
- Work stoppage sa Atienza inter island shipping lines inilabas
- Katagay tinodas; “True Brown Style member”, isa pa nadakip

