Matapos ang ilang linggong pagkaantala, inapubahan na rin ang naturalization ni Bennie Boatwright matapos aprubahan ang House Bill No. 6639 sa ikatlo at pinal na pagbasa sa special session nitong Miyerkoles.
Maliban kay Boatwright, inaprubahan din sa Senado ang House Bill No. 664 na nagbibigay ng Philippine citizenship sa wrestler na si Matthew James Ramos.
“Matthew and Bennie are world-class athletes who, despite the many opportunities and paths available to them elsewhere, have chosen to cast their lot with the Filipino people,” sabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, sponsor ng panukala.
Si Boatwright, import ng San Miguel sa PBA, ay inaasahang magpapalakas sa Gilas Pilipinas pool at kakatawan sa bansa sa 2026 Asian Games sa taong ito.
Samantala, si Ramos, 25, ay opisyal nang kakatawan sa Pilipinas sa mga international competition na sanctioned ng Wrestling Association of the Philippines.
Nakatakda sana ang ikatlo at huling pagbasa sa parehong panukala noong Hunyo 1 subalit naudlot matapos umabsent sa sesyon ang grupo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.
Nitong Miyerkoles, Hunyo 17, nagtipon ang bagong majority group sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian, na nagbigay daan para sa pagpasa na naturalization bills nina Boatwright at Ramos.
======
Trending
- School Safety and Security Summit pinangunahan ng NCRPO
- Mga Pulis-Taguig inireklamo, lipat-destino
- Mister tinodas ng kawatan habang natutulog katabi si Misis
- Ketamine : 2 Korean POGO workers dinakip
- Police officer sa Bulacan inireklamo sa Napolcom
- TODA : Tsuper sinaksak
- Service vehicle ng Navotas Polytechnic College,binasbasan
- SFeng Jiajun ng Hong Kong, wagi sa Asian Xiangqi Championship

