Itinalaga si Kabankalan Bishop Louie Galbines bilang bagong Obispo ng Diocese of Bacolod, ayon sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) nitong Huwebes, Mayo 14.
Papalitan niya si Bishop Patricio Buzon, na halos 10 taon nang namuno sa nasabing diyosesis.
Ayon sa CBCP, si Galbines, 59, ay muling magbabalik sa Diocese of Bacolod, kung saan siya naordinahan bilang pari at nagsilbi sa ilang mahahalagang posisyon bago maging Obispo ng Kabankalan.
Nagretiro si Buzon, 76, matapos lampasan ang mandatory retirement age ng mga Obispo, na 75 taong gulang ayon sa batas ng Simbahan.
Nagsilbi siya bilang obispo sa loob ng 23 taon—13 taon sa Kabankalan at halos 10 taon sa Bacolod.
Ipinanganak si Galbines noong 1966 sa Aliwanag, Sagay City, at nag-aral ng pilosopiya at teolohiya sa University of Santo Tomas (UST) Central Seminary sa Maynila bago siya naordinahan bilang pari noong 1994 sa Bacolod.
Nagsilbi siya bilang deputy dean at spiritual director ng Sacred Heart Seminary sa Bacolod, pati na rin bilang chancellor at secretary ng diocesan curia.
Nagpatuloy siya ng mas mataas na pag-aaral sa Roma sa Pontifical University of St. Thomas Aquinas, kung saan nakapagtapos siya ng licentiate at doctoral degrees sa sacred theology noong 2001, ayon pa sa CBCP.
===
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

