Ipapakuha umano ng prosecution team ang Bureau of Internal Revenue (BIR) box na naglalaman ng mga tax record ni Vice President Sara Duterte at mister na si Atty. Manases Carpio kahit walang approval si Pangulong Bongbong Marcos.
Ito ang siniguro ni prosecutor at Bicol Saro party-list Rep. Terry Ridon dahil may karapatan umano ang Senate-Impeachment court na ipa-subpoena umano ang mga dokumentong ito.
“It is something that can in fact be requested even without executive approval,” paliwanag ni Ridon ukol sa BIR box na ipinabalik ng Impeachment Court sa BIR noong nakaraang linggo.
Ayon naman kay prosecutor at Manila Rep. Joel Chua, hindi puwedeng manaig ang mga probisyon sa National Internal Revenue Code (NIRC) sa Impeachment court na nakatadhana sa Saligang Batas.
“At the end of the day, ang ating pung saligang batas ang supreme law at accountability ng mga tao na na sa gobyerno ang mas manaig kesa po ang pagtatakip ng mga ebidensya,” paliwanag ni Chua.
Dahil dito, nakatakdang hilingin umano ng prosecution sa Impeachment court na ipa-subpoena ang BIR box dahil mahalaga umano ito para matukoy kung saan galing ang P4.4 bilyon na pumasok sa bank accounts ng mag-asawang Duterte-Carpio.
Unang naisumite sa House justice committee ang BIR box subalit hindi ito binuksan upang makaiwas sa teknikalidad kaya isinama na lamang ito ng prosecution team subalit ibinalik ito ng Impeachment sa BIR.
Trending
- Alex Eala haharapin ang tagahanga sa July 15
- Ateneo itinangging empleyado si Baldwin
- “SIGABO” SINITA NG MTRCB
- Kasal ni Ellen kay Derek, malapit nang ma-annul
- Juday gaganap bilang si Nora Aunor
- Komunikasyon palalakasin sa website ng CBCP
- Higit 70 baboy sa Baguio nagpositibo sa ASF
- Inisyatiba sa civil registration pinalawig

