Isang napakalaking karangalan para sa bansa ang patuloy na pamamayagpag ng P-Pop girl group na BINI pagkatapos ng kanilang pagtatanghal sa Coachella event sa Amerika.
‘Ika nga, one thing leads to another.
Ito’y dahil nakatakdang magtanghal ang grupo para sa kanilang world tour na iikot sa Canada, Europe at US.
Bale ang schedule ay kasado na sa August hanggang September kung saan lilibot sila sa Amsterdam, Rome, Paris, London, Zurich at Dusseldorf.
Masasabi ngang chance of a lifetime ito!
This June up to November ay naka-block off na ang calendar ng BINI.
It will kick off in Manila then in Cebu in June.
By August ay en route naman ang grupo sa Hawaii, Los Angeles, Rohnert Park, Las Vegas at San Diego.
By end of August ay nasa New York naman sila.
Next stop will be in Canada, particularly in Vancouver, Calgary, Edmonton, Winnipeg and Toronto.
Tinatayang sa September na sila makakauwi ng bansa.
Then short stay muna dito bago ang kanilang sunod na performance sa Singapore at Taipei in October and in December.
Trending
- Hidilyn Diaz target mag-aral sa Europe
- No-call kay Allen ng Cavs, pinagtibay ng NBA
- BINI, iikot sa US, Canada at Europe
- Rufa Mae, kasama ni JLC sa GMA sitcom
- Mister ni Ina, emosyunal sa graduation ng anak!
- Cloud seeding sa Angat Dam
- China sa WPS ikinabahala ng PCG
- Mga pahayag ng Simbahan, gabay sa publiko

