Tila nagkaroon ng mini reunion sina Eat Bulaga host Vic Sotto at Bimby matapos nilang magkita sa isang event.
Sa Instagram story ng misis ni Vic na si Pauleen Luna noong Biyernes, Abril 17, ibinahagi niya ang larawan ng dalawa.
“Bimby is already taller than you Vic! So nice to see you! Always so respectful and kind,” saad ni Pauleen sa text caption.
Matatandaang nakatrabaho nina Vic at Bimby ang isa’t isa sa “My Little Bossings” noong 2013.
Bukod dito, kasama rin ng dalawa ang ina ni Bimby na si Queen of All Media Kris Aquino, Ryzza Mae Dizon, at Ice Seguerra.
Kalahok ang “My Little Bossing” sa ika-39 na Metro Manila Film Festival.
Isa itong comedy film na nakasentro ang kuwento ni Torky, isang bookkeeper na nagtatrabaho sa isang millionaire cash management specialist na si Baba.
At dahil sa problemang dumating sa negosyo ni Baba, ipagkakatiwala niya ang kaniyang anak na si Justin kay Torky kasama ang mga anak nitong sina Ice at Ching.

Share.