How true ang kumakalat na tsikang pinag-iinitan umano ni Kapamilya actress Bela Padilla ang “Blood vs. Duty” co-star niyang si Baron Geisler?
Sa latest episode ng “Showbiz Updates” noong Biyernes, pinakukumpirma ni showbiz insider Ogie Diaz kay Bela kung totoo nga ba talagang ginagawan nito ng isyu si Baron.
“Mayro’n pang isyu diyan sa set na parang si Baron Geisler pinag-iinitan ni Bela Padilla. Parang ginagawan daw ng isyu ni Bela Padilla. Totoo ba ‘yon, Bela?” ani Ogie.
Dagdag pa niya, “Ang tino-tino na raw ni Baron na hindi naman napapansin sa set na umiinom si Baron. Bakit daw gagawan ng isyu ni Bela? Totoo rin ba, Bela, na namutawi sa bibig mo ‘yong salitang ‘retarded’ si Baron?”
Gayunman, kumabig din naman si Ogie at sinabing mahirap daw namang paniwalaan ang kumalat lang sa set. Kaya nga raw niya tinatanong si Bela upang maipaliwanag nito ang sariling panig.
“Ngayon, kung hindi man niya sinabi ‘yon kay Baron, ano ‘yong iba niyang isyu kay Baron na hindi raw kumikibo si Baron. At ‘pag may eksena raw na nando’n si Baron—hindi ko alam kung si Barbie Imperial ‘yon—gusto niya, wala ‘yong dalawa. Gusto niya sila-sila lang na mga bida ang nando’n sa set,” dugtong pa ng showbiz insider.
Nanggagaling umano ang mga tsikang ito ni Ogie mula sa makahulugang post ni Bela tungkol sa umano’y himuntok nito na “When you give it your all pero ‘di man lang pala siya day ender.”
“Ito ‘yong sa ‘Blood vs. Duty’ na tinutukoy ni Bela,” lahad ni Ogie. “Kasi feeling niya, sobrang husay siya sa eksenang ‘yon. Kung bakit naman inaabangan ‘yan na maging day-ender ito, e hindi naman pala nangyari ‘yong kaniyang inaasahan. Samantalang ginawa na naman niya ang lahat.”
Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pa namang inilalabas na reaksiyon o pahayag ang Kapamilya actress hinggil sa mga nasabing akusasyon.
Trending
- San Beda Red Lions player JV Gallego pumanaw na
- Alex Eala makakatambal muli si Venus Williams
- Rommel to the rescue kay Robin, binarag si Angel!
- Awra, nagpa-rhinoplasty, bet magmukhang Latina!
- Gwendoline Meliz Soriano : Binibining Pilipinas International 2026
- Marcoleta, ‘di nakakulong sa air-conditioned cell
- Pulis sa ‘mistaken identity’ na- inquest proceedings
- 4 PH-registered vessel nakalabas na sa Hormuz

