Finally, Bea Alonzo is now Mrs. Vincent Co!
Ito ang latest chika ni Ogie Diaz.
Ayon kay Ogie, naganap ang pag-iisang-dibdib ng aktres at ng negosyante sa Makati City nitong July 13.
Dakong 7 ng gabi daw ‘yon naganap.
Sinaksihan ‘yon ng may-ari ng Secosana bags, kung saan may brand doon si Bea.
There weren’t too many people sa wedding na idinaos sa munisipyo ng Makati City.
May ipinadalang pruweba kay Ogie tulad ng certificate of marriage ng mga newlyweds.
Ani Ogie, walang nangialam na ibang partido on either side, kung kaya’t tahimik na nairaos ang kasal.
Sa usapin naman tungkol sa kontrobersyal na prenup agreement, ayon kay Atty. Lorna Kapunan–who’s representing Bea–hindi daw ‘yon big deal.
Sa dalawang taong nagmamahalan, hindi kuwestyon ang tungkol doon.
Pero nilinaw ni Atty. Kapunan na hindi siya ang gumawa ng prenup agreement.
Dagdag pa ni Ogie, ang susunod na aabangan ay ang pagbubuntis ni Bea.
Trending
- Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan
- Mas mataas na reputasyon ng mga marinong Pilipino
- Pilipinas umangat sa global startup rankings
- Saging nagpatibay sa export sa New Zealand
- Confidential funds ni VP , pinakamahabang tatalakayin
- 4 grupo, may kilos protesta sa SONA ni PBBM
- Philippine SEAG Organizing Committee, isu-subpoena
- Kaso ng Covid-19, bumaba ng 70% ngayong taon

