Lumabas ang pagiging komedyante ni Bayani Agbayani sa bakasyon nila ng misis sa Spain.
Hindi kasi magkandatuto si Bayani na na-excite pagkakita sa pagkadami-daming naglaglagang orange mula sa puno.
Sa kanyang Instagram, sige si Bayani sa kapupulot.
Pagyayabang niya, nag-level up na daw siya dahil dito sa bansa’y nangunguha lang siya ng guyabano, saging, aratiles at Indian mango sa kapitbahay.
Pero sa Spain ay namumulot lang siya ng oranges.
Bale ba, naisip niyang mamulot nang marami para daw gawing juice–ayun, nakatikim tuloy siya ng paninita mula sa asawa!
Sa isang bahagi ng vlog na kinukunan ng misis niya, naibato ni Bayani ang orange at nasapul ang asawa.
Dahil nasaktan, namura ng asawa ang komedyante: “Aray ko! Put*ng ina mo ka!”
“Nakaisa na naman ako!” tawa nang tawang sey ni Bayani–bagay na ikinaaliw ng mga netizens.
Trending
- Claudine Barreto na-ospital
- Jilliar Ward pagod na, kailangan ng pahinga
- “A Perfect Marriage” nina Kim at Paulo pasok sa “Magic 8”
- Atletang Pilipino, ready na sa 5th Asian Para Games sa Nagoya
- Marlon “Marvelous Captain” Manalo sabak sa Qatar World Cup 10 Ball
- Anak ginahasa, nadakip
- Pintor minolestiya ang paslit, dinakip
- TATAY GINAHASA ANG ANAK AT APO, ARESTADO

